PART V: GROUP DRAMA SCRIPT

CLASS 3-C HAS A SECRET
Cast of Characters
Denise Villaverde
Ash Flores
Amanda Fortalejo
JP Sebastian
Freya/ Thania Marquez
Maeri Sakluban
Lilith Go
Nhicole Samson
Camille Fuentes
Alyana Santos
Angie Cruz
Vince Osas
Scene
Various locations around Lingayen, Pangasinan
Time
The present.
Intro:
Dalawa ang klase ng tao sa Class (_______________). Ang isa ay ang hindi mo maaaring kaibiganin at ang isa naman ay ang hindi mo maaaring kalabanin. Normal lang ang lahat. Iyon ang tingin ni Denise. Ngunit ng sandaling magsimula ang bagong laro naging palaisipan ang lahat para sa kanya. Hanggang saan ang normal na inaakala niya?
Handa ka na bang silipin ang munti nilang impyerno?
Chapter 1:
3 WEEKS AGO…
Thea: *voice only* Kami ang Class 3-C. Ang klase na ayaw pasukan ng mga teachers sa kadahilanang wala naman kaming pake sa mga itinuturo nila. Basta pumapasok kami dahil kailangan. Puro mayayaman, maarte, mga basagulero at ang mga talunan ang mga nakakasama ko. Kung titignan mo, mga ordinaryong estudyante lang kami. Naga-asaran, nagta-tawanan at kung minsan nagkakatampuhan. Ngunit sa kabila ng imahe naming na ito, may nakukubling mga sikreto. Mga sikreto na hindi dapat malaman ng iba kundi isasama ka nila sa impyerno.
Handa ka na bang mamatay? Kasi kami… matagal na. WELCOME TO HELL.
Teacher Yuko: Class I’m sorry, mag reresign na ako. Magpapakasal na ako nextweek. Sorry kung ngayon ko lang sinabi. Sorry kung nag lihim ako.
Mikko: Morning Teacher Yuko! Sorry I’m late.
Rizwan: Late ka na naman. As usual.
Teacher Yuko: I’m resigning Ash. Ikakasal na kasi ako.
Mikko: *lapit kay teacher yuko* *smirks*
AFTER 5 DAYS…
Zyrah: Guys! Totoo bang patay na si Teacher Yuko? Ang mga kumakalat na balita… totoo ba yon?
Febie: Ano ba kayo! Bakit kayo umiiyak!? D-dapat tayong matuwa! Dahil wala na ang adviser natin, pwede na tayong bumalik sa dati nating gawi. Malaya na tayo! Wala na si Teacher Yuko, kinokontrol lang niya tayo. Hindi ba maganda ang mga iyon?
DJ: MALAYA NA TAYO! *sigawan ang lahat*
Febie: Lintek na teacher yan! Ba’t ngayon lang namatay yan!? Buti naman naisipan niyang patayin ang sarili niya!
Marinelle: Yeah. I know right. Tinatago lang niya ang baho niya pero hindi siya marunong magtago ng mabuti. Besides, napaka-annoying ng Teacher Yuko na yan. Kala mo kung sinong anghel.
Thea: *takip sa tenga* *lapit si charene sakanya*
Cha: Denise, sumama ka sakin. May kelangan akong sabihin sayo.
Thea: Tungkol saan?
CHAPTER 2!!!!!
Charene: Sa pagkamatay ni Teacher Yuko. Walang nangyaring pagkamatay, denise. Pinatay si Teacher Yuko. Hindi siya nagpakamatay.
Thea: Pero sabi ng mga pulis…
Charene: Seryoso!? HAHAHA naniniwala ka dun!? Walang kwentang mga pulis yan. Isa sa mga kaklase natin ang pumatay sakanya.
Thea: Bakit naman may papatay kay Teacher Yuko!? At lalo na sa klase natin. Mabuti siyang guro!
Charene: Yan ba pagkakakilala mo sakanya? Kawawa ka naman Denise. Isa ka rin pala sa mga naloko niya.
Thea: Mabuti si Teacher Yuko! Yun ang paniniwalaan ko dahil yun ang nakikita ko. Ayokong maniwala sayo!
Charene: Lahat ng tao may sekreto Denise. Akala mo si Teacher Yuko wala? Nagkakamali ka. Di mo pa siya kilala. Di mo pa nakikita ang tunay na Teacher Yuko. Kasi ako, nakita ko na. nakita ko na ang totoong siya. Kasama ang mga sekreto niya. Gusto mong malaman yung pumatay sakanya? Hindi ko pwedeng sabihin ang mga pangalan nila. Pero pare-pareho silang may tattoo. Tatlong itim na paru-paro. Pero hindi ko alam kung saan. *tingin sa phone* Alis na ako. Wag mong ibibigay ang buong tiwala mo sakanila. Maaaring saksakin ka nila patalikod. Magiingat ka.
Thea: Kahit sayo?
Charene: Kahit sakin.
Charene: *tingin sa phone niya* Room 101? *bukas ng door* Alyana? Alyana asan ka? *hi-hit siya ng baseball bat sa head* *dead saglet* *gigising* *hihilain sa paa*
*scene na pinapatay si charene*
Charene: *sisigaw* *may lalapit na babae sakanya na nakamaskara*
Zyrah: Kamusta ang tulog mo daldalita!?
Charene: Sorry
Febie: Sorry!? Sorry is not enough! Papatayin kita!
Zyrah: Ooops. Wag kang magmadali. Darating din tayo dyan. Alam mo ba ang ginawa mo ha!? Pinahamak mo kami! Ganyan ba ang igaganti mo pagkatapos ka naming tulungan!?
Zyrah: Gusto mo bang ilabas naming ang sikreto mo? ANONG INIIYAK IYAK MO DYAN!? SUMAGOT KA!
Charene: Wag po. Parang awa niyo na. Please, patayin niyo nalang ako.
Zyrah: Masyado ka ng maraming alam. Kailangan mo ng manahimik.
CHAPTER 3!!!!
Thea: Anong nangyayari!?
Zyrah: Hindi ito pwedeng makalabas sa klase! Tanggalin natin ang mga pictures na yan! Kung sino man ang nangtri-trip dyan, it’s not funny anymore!
*biglang may nagring na phone. Tinignan nila isa isa yung phone nila pero hindi galling sa mga phone nila yung tunog. Napansin nila na galling sa teacher’s table yung tunog. Binuksan ni mikko yung drawer tas napaatras siya palayo* *patuloy sa paggawa ng ingay yung tunog. Wala ni isang sumubok sagutin yung tawag*
Mikko: Ano ba! Sagutin niyo na!
Melanie: Patigilin niyo nga yan! Ang ingay!
DJ: Ako na nga! Mga duwag! *pasigaw* *ilang seconds bago niya binaba* I-loud speaker ko d-daw eh. *nakatulala*
Caller: KAMUSTA NA KAYO? *kabado ang lahat. Para silang nakikipagusap sa isang demonyo. Malalim at may kakaibang echo yung boses* Si Angie.. ayos lang dito. Pero hindi ko maipapangakong makakamusta pa niya kayo. BOOOO! *sumigaw ang caller at nangilabot ang klase* *tumawa siya ng tumawa*
Thea: SINO KA!?
Caller: Ako? Kilala niyo ko.. hindi niyo ko kayang kalimutan.
Zyrah: Anong ginawa mo kay Angie!?
Caller: Sino kaya ang isusunod ko?
Marinelle: Ano bang kailangan mo ha!?
Mikko: Wala kaming ginawang masama sayo!
Caller: Wala nga ba talaga? Alam ko lahat ng sikreto niyo.. at gagawin kong sandata ang mga iyon laban sainyo. *end call*
Melanie: Alyana? *nababaliw si febie here dapat*
Febie: Wala akong kinalaman! Si angie! Wala akong kasalanan! Angie, patawarin mo ako! *biglang tumakbo palabas ng classroom*
FLASHBAAAAAAACK!!!
Thea: *voice only* Naalala ko tuloy ang mga sinabi sakin ni Angie noong isang lingo. Nakita ko siyang umiiyak sa cr, nakaupo at may hawak na cutter. Sinusugatan niya ang sarili niya.
Thea: Angie!!!! *get yung cutter tas haggis palayo*
Charene: D-denise? *iyak*
T: Anong nangyari!? Bakit ganto!?
C’: Gusto mo bang malaman ang sikreto ko?
T: Dadalhin na kita sa clinic!
C: May karelasyon ako sa klase. Si Alyana. Kadiri diba?
T: Hindi! Ano ka ba. Walang rason para magpakamatay dahil don.
C: Nag-away kami. Isang malaking away. Galit na galit siya sakin. *hagulgol*
T: Angie… tutulungan kita.
C: Hindi na. Huli na Denise. Nangyari na. Ayokong mandamay ng ibang tao. *ngiti sabay tayo tas walk out*
END OF FLASHBAAAACK!!
New Teacher: Bumalik na kayo sa mga upuan niyo. Aba himala at tahimik kayong lahat ngayon. Siguro next week darating na ang bago niyong adviser.
Thea: *hahanapin si charene* *mapupunta sa room 101 kung san pinatay si charene. Puro alikabok yung kwarto. Napaligiran ng iba’t ibang bote. Patay sindi ang ilaw* *habang naglalakad, may natapakang malagkit* *ngayon lang niya napansin na puro dugo nasa paligid niya* *napansin niyang may umiilaw sa cabinet, cellphone yon* *buksan yung phone tas nakita niya yung wallpaper si angie* *punta sa messages* *see yung pinakalast message na natanggap* Alyana?
CHAPTER 4!!!!
*may mamamatay dito. Kelangan ng extra. Kevin pangalan niya ditto. May nakalagay sa tiyan niya na “mortem iuxta est” *sa school ang scene* *nakabitay*
Melanie: Sino ang tingin niyong pumatay?
Marinelle: siguro yung bagong janitor. He’s creepy.
Melanie: oo nga. Tapos bakla pala yung janitor at nagkagusto si janitor kay Kuya Kevin at dahil straight si kuya kevin tinanggihan niya si janitor.
Marinelle: ang stupid mo talaga maerie. San mo ba nakukuha yung mga ideas na yan? Eww.
Thea: *voice only* siguro nga walang kinalaman dito ang tatlong killers… sana. Sana nga hindi totoo ang mga sinabi ni Angie dahil kung totoo, nakakatakot.
Police: Ako nga pala si Chief Guevarra. Pwede ko ba kayong tanungin ng ilang mga katanungan?
Lahat: Opo.
Chief: sino ang pinakamalapit sa biktima?
Zyrah: Sa pagkakaalam ko po si Angie po… at ang mga barkada niya.
Chief: Kanino ang jacket na to?
Thea: Kay Angie po…
Chief: Nasan si Angie? Nandito ba siya?
Mikko: Patay na si Angie. Kahapon lang naming nalaman.
Chief: Iyon lamang ang kailangan kong malaman. *umalis* *bumalik sa crime scene na may malapad na ngiti* *voice only* alam ko na kung sino siya. Kilala ko na kung sino ang pumatay. Sigurado ako. Hindi ako pwedeng magkamali.
CHAPTER 5!!!!
FLASHBAAAACK!
Marinelle: Pa-ibigin mo si Maeri. Dapat mo siyang paniwalain na mahal na mahal mo siya. Kapag nagawa mo yon, mamahalin na rin kita. Dapat mo siyang lokohin. Dapat mo siyang saktan. Hanggang sa wala na siyang mukhang maihaharap sa ibang tao. END OF FLASHBAAACK!!!!
DJ: Amanda..
DJ: Kelangan ko pa bang lokohin si Maeri?
M: Bakit!? Nai-inlove ka na sakanya!?
DJ: Hindi ah. Alam mo naman na ikaw lang mahal ko. *halik sa kamay ni Melanie* *aalis na sana si mel ng pinigilan siya ni DJ* San ka pupunta?
M: Magpapahangin. Bumalik ka na sa klase *irap* *may tumawag sa phone niya* * Siya na naman!?
Nanay: Amanda? I’m so sorry.
M: Oh!? Sorry!? Nakikipaglokohan ka ba saken!?
Nanay: Please intindihin mo naman ako.
M: Bakit? Kalian mo ba ko inintindi? Kelan mo ba napansin na kelangan pala kita?
Nanay: I’m so sorry.
M: Puro ka sorry! Puro ka please pero kahit kelan naman wala ka nang ginawa kundi lumandi dyan! Ayos na sana eh pero bakit pati ang tinuturing kong pamilya ilalayo mo saakin!? Bakit mo paalisin sila Nanay Imelda!?
N: Anak… nanay mo rin ako. *iyak*
M: Nanay!? Isa lang ang nanay ko at siya yung nakakasama ko araw-araw! Drop the drama! *paiyak na*
N: Patawarin mo ako anak… mahal na mahal kita. Mahal ka ni mama. Para sayo tong ginagawa kong sakripisyo. Maniwala ka naman kay mama.
M: *umiiyak* kinamumuhian kita! Wag na wag ka ng tatawag sakin! Sana di mo nalang ako pinananganak! Sana di mo ako pinabayaan! *end call* *luhod tas iyak*
Mikko: Kasya ba to sa bibig mo? *nilalagay sa bibig ni rizwan yung tennis ball*
Rizwan: Ash… please wag.
Mikko: HOY! Ngumanga ka! Iuuntog kita! *hinawak ang ulo ni rizwan at inuntog sa locker*
Mikko: Wala kang kwenta tandaan mo yan! *tadyakan si * pumasok ka doon sa isang locker total ayaw mong isubo tong bola. *hinila siya papasok* *pagbukas ng locker may tumaob na timba na puno ng dugo.* *kelangan ng speaker dito*
Caller: Natanggap nyo ba ang babala ko? Mortem Iuxta Est. *tawa ng tawa* *napatakip sa tenga ang lahat* gusto niyo pa bang maglaro?
Anthea: D-death is near? Iyon ang babala? Malapit na si Kamatayan? *tumakbo lahat papuntang room* *may mic na nakatapat dun sa parehong cellphone na ginamit nung caller nung una siyang tumawag*
Mikko: Sinong wala sa klase natin!?
Lahat: S-si Alyanaa?
Thea: *binulsa ang cellphone nung killer*
*uwiaaaan*
Zyrah: Denise, sama ka?
Thea: Ha? Saan?
ZYRAH: Lutang ka na naman. Nood tayo sine. Buong klase.
T: hindi eh. May gagawin pa ko. *umalis na lahat naiwan siya sa locker na. puno ng dugo* Locker ni Angie to ah. *nakita niya yung singsing na may pangalang Akira* *may tumulak pasandal sakanya sa locker. Nagulat siya.* A-ash!?
CHAPTER 6!!!!!
Mikko: *nakatingin ng masama* Magpakatotoo ka nga Denise! Umamin ka! Bakit mo pinatay si Angie!? Ano ba talagang balak mo!?
T: Ako? Pumatay?
M: Ikaw ang killer diba!? Umamin ka! Bakit mo pinatay si Angie!? Bakit mo pinatay si Kevin!?
T: N-nagkakamali ka.
M: Ano?
T: Hinahanap ko rin sila. Si Angie mismo ang nagsabi sakin. May talong killer, nasa klase natin. Nakakasama natin sa araw-araw, nakakausap. At baka mamaya, isa sa mga kaibigan natin. Hindi ko alam kung bat nila ginagawa to. Basta alam ko nagsimula to sa pagpatay kay Teacher Yuko. Kaya hindi ako kalaban. Maniwala ka Ash.
M: *umatras napakamot sa ulo* pasensya na. ikaw kasi yung huling kinausap ni Angie. Sige alis na ko.
CHAPTER 7!!!!
Marinelle: Rain… buntis ako.
DJ: Ako ba ang ama niyan? SABIHIN MO! HINDI AKO DIBA!?
MA: PLEASE RAIN. STOP SAYING THAT. IKAW ANG AMA!
DJ: *MAGWAWALA* PAKSHET NAMAN MAERI OH! ANONG GUSTO MONG SABIHIN HA!? NA DAPAT PANAGUTAN KO YANG LINTEK NA BATANG YAN!?
MA: GUSTO KO LANG NAMANG MALAMAN MO. PARA HINDI LANG AKO ANG NAHIHIRAPAN NG GANTO. IKAW BA ANG MANGANGANAK HA!? IKAW BA!? ANG KELANGAN KO LANG NAMAN AY IKAW… KAILANGAN NG AMA NG DINADALA KO… NG ANAK NATIN.
DJ: IPA-ABORT NATIN.
MA: GANYAN BA KABABA TINGIN MO SAKIN!? HINDI KO KAYANG PATAYIN ANG SARILI KONG ANAK! SASABIHIN KO ITO LAHAT SA MAGULANG MO! HINDI KO IPA-PAABORT ANG ANAK KO! *takbo palayo umiiyak sa sahig* *flashback nung sinabi ni riz na “ipa-abort natin”*
MA: Maeri?
Mel: Amanda! *takbo payakap sakanya*
Ma: anong nangyari sayo?
Mel: kung sasabihin ko ba sayo… hindi k aba mandidiri sakin?
Ma: syempre hindi. I’m your bestfriend remember?
Mel: Amanda… buntis ako.
Ma: si jp ang ama? Anong sabi niya?
Mel: ipa-abort ko raw.
Ma: at gagawin mo nga?
Mel: hindi no. wala akong planong patayin ang sarili kong anak.
Ma: that’s good to hear. Everything will be okay. Trust me.
Mel: thankyou Amanda. You’re such a good friend. Napakabuti mong kaibigan.
Ma: I’ll go now. I have to do something.
--------------------------------------
Ma: Rain…
Dj: alam mo na?
Ma: yes. Very good.
Dj: masaya ka na?
Ma: hindi pa. hindi pa ko kuntento.
Dj: ano pang kailangan kong gawin? *may bubulong si Melanie sakanya*
-----------------------------------------------------------------------------------
Melanie: *nakatayo sa gilid ng rooftop umiiyak* *himas sa tiyan* baby, ayos ka lang ba diyan? Sorry kung ganito kabobo si mommy ha… sorry kung madadamay ka pa. sana kapag pumunta ka ng heaven, ihingi mo naman ng patawad si mommy kay God. Mahal na mahal kita. *hahakbang na sana sa rooftop ng biglang may humatak sakanya* *sumusubsob siya sa rooftop. Nakasuot siya ng maskarang itim at makapal ang suot niyang itim na jacket at pantalon. May dalang kutsilyo at lubid*
---------------------------------------------------
Febie: *nakakulong sa kwarto kung san din pinatay si cha* *nakatali yung mga kamay at nanghihina. * *nanlaki ang mata ng makitang may tao sa harapan niya duguan may dalang sako* Angie?
Cha: *ngiting nakakakilabot*
CHAPTER 8!!!!!
Melanie: baby… makakalabas din tayo dito. Makakalabas din tayo ng buhay. *biglang bubukas yung pinto. Nakita niyang nasa isang bahay siya* *makikita niya yung nakamaskara* *puno siya ng saksak dito* Pakawalan mo na ako, parang awa mo na buntis ako.
Killer: *iuusog yung lamesa sa tapat ni maeri. Irerecord niya habang papalapit siya kay maeri may hawak na kutsilyo. Sinaksak niya sa hita si maeri.*
Mel: p-please… kung sino ka man. Maawa ka samin ng baby ko. *biglang sumigaw yung killer halos umiiyak nagwawala sinusuntok yung pader*
Killer: *kukuha ng pamukpok o dos por dos* *mahigpit yung hawak niya dito galit na galit. *magmamakaawa si marinelle* *papaluin niya kung saan saan si marinelle* *magdidilim yung paligid*
------------------------------------------------
Febie: angie… ikaw yan diba? Magsalita ka naman angie. *aalisin ni charene pagkakatali kay febie tas yayakapin niya* *ngingiti si charene at bubuka ang bibig. Makikita na wala siyang tongue*
----------------------------------------------------
zyrah: Ayan! Mas magandang ganyan ka.
Charene: *umiiyak*
G2: akira, napakaganda ng plano mo. Tiyak na matatakot ang mga yon.
G1: magiging maganda to. Sa kabila ng lahat Angie, nagpapasalamat parin ako sayo. Kung hindi dahil sayo, hindi matutupad itong gusto naming. May isa nang nakakaalam. Mayroon na kaming mapaglalaruan. Pero sayang ka Angie… magiging mabuting magkaibigan pa naman sana tayo. Sana sinabi mo na lahat sakanya… para sulit tong kaparusahan mo.
G1: Tara, maglaro tayo.
G2: gabing gabi! Ano bang laro yan?
G1: pakawalan niyo si daldalita.
G2: bakit? Baka makatakas siya.
G1: bobo! Talagang makakatakas yan! *papakawalan si charene* hoy! Anong ginagawa mo? Ayaw mo bang tumakbo?
Charene: *tatakbo na halos madapa na* *duguan at pagod* *voice only* baka abutan nila ako. Tatakas ako. Maghihiganti ako.
CHAPTER 9!!!!!!!!!!!
Denise: *nakaupo sa kama nasa harap niya yung mga ebidensya. Baseball bat, phone ng killer tas phone ni angie tas singsing* *binuksan ang phone ng killer may password* *sunod na binuksan ang phone ni angie. Pumunta sa messages. Nakita ang message ni alyana.*
Sender: Alyana
Message: alam mo bang may relasyon si kevin at si angie? Natanggap mo ba ang pinadala kong video? Ginagawa ka lang tanga ni Angie. Dapat ka ng kumilos ngayon. *pupunta sa video files makikita yung video ni charene at kevin naghaharutan*
*FLASHBAAAACK DUN SA NAGLASLAS SI CHARENE YUNG PART NA SASABIHIN NIYANG NAGAWAY KAMI GANERN HANGGANG SA MANDAMAY NG IBA*
------------------------- SCHOOOOL!!!!
Annie: Uy denise! Bat ka pa pumasok? Baka mabinat ka, nilagnat ka diba? Best friend mo ko kaya dapat may pake ako sayo. *makikita nila si mikko* morning ash. (
Mikko: Goodmorning din. *poker face* Goodmorning Denise. (
Annie: ngayon ko lang kayo nakitang nagusap ah? Ayyieeee.
Thea: oo nga eh. Ano ka ba.
-----------------------
Zyrah: Guys, meron na tayong bagong adviser. Behave ha?
New teacher: *extraaaaaaa!!!!* Good Morning class! I’m your new adviser as well as your new chemistry teacher. Alam kong 5 months na lang ang natitira sa school year na to pero I would like to build a good relationship with you. I’m Sir Paolo Ferrer. You can call me Teacher Paolo.
*may papasok na estudyante. Magugulat ang lahat*
Summer: Hello classmates! Ako nga pala si Summer Dela Vega. Siguro karamihan sainyo kilala pa ako. Classmate niyo ko nung mga 1st year hanggang 2nd year pa lamang tayo. I was in a coma for a few months. Kagigising ko lang last Wednesday pero naka-recover ako kaagad. Sorry nga pala kung di ko na masyadong matandaan ang mga nagyari dahil nagkaroon ako ng kaunting amnesia pero selected memories lang naman yon. *ngingiti* I’m really glad na nakita ko ulit kayo.
Annie: Pareng tag-init! Mabuti naman bumalik ka na. *hugs*
Summer: *kay Amanda* best friend!! I miss you. *ngingiti si Amanda magiirapan silang dalawa habang naghu-hug* *babatiin ni summer si denise*
-------------------------------------
Summer: *rooftop* kamusta ka na Amanda?
FLASHBAAAAAACK!!!!!
*sa rooftop din. Ang dating Amanda at dating Summer*
Melanie: *umiiyak* *puno ng dumi yung damit niya dahil sa pambabato sakanya ng mga kaklase niya* wala naman akong ginagawang masama sainyo! Bakit ba ako lagi ang nakikita niyo!? Dahil loser ako!? Dahil hindi ako sikat!? Sana mamatay na kayong lahat! Patayin niyo nalang ako! *mabibigla dahil may magaabot ng kamay sakanya. Si summer. Nakangiti. Ang queen bee*
Summer: huwag mong hahayaan na ganyanin ka nila. You have to fight for yourself. Iiyak ka nalang parati… Amanda? Maganda ka naman. *hawi ng buhok ni Melanie* hindi na masama ang mukha mo. Ako nga pala si Summer, let’s be friends from now on. (
END OF FLASHBAAAAAAAAAAAAAAAAAAACK
Summer: Masaya ka ba ngayon?
Mel: Summer…
Summer: Masaya bang maging sikat? Maging Queen Bee? Ibang iba ka na ngayon, Amanda. Mahirap din pala kapag masyado ng lumaki ang ulo mo. Tatanungin kita ulit Amanda… masaya ka ba ngayon? Kuntento ka na ba? Amanda: *voice only* *naluluha* masaya bang maging ako?
CHAPTER 10!!!!!!!!!!
*lahat ay nasa gilid ng hallway*
Zyrah: Anong nangyayari?
Thea: babalik na raw si Lilith.
Mikko: Wow, di nga? Magaling na pala siya. Iwe-welcome ba siya ng lahat?
Lilith *nasa hagdanan napatingin lahat* *biglang may bumuhos sakanya na color black at kung ano anong bagay na nandon* *nahulog din ang libro niya at bag*
Mikko: *maghahagis ng panyo towel sakanya* mga wala talaga kayong magawa sa buhay niyo.
Lilith: *titingin ng masama kay thea* *biglang tatakbo tas sinakal siya* *lalapit yung mga kaklase nila tas itutulak palayo si Lilith*
Mikko: Ayos ka lang ba Denise? Iwasan mo yang Lilith na yon ah? Baka mamaya hindi lang sakal ang gawin nun sayo. Delikado.
Thea: *tango*
------------------------------
BAHAAAAAY
Mikko: *ihahagis ang bag sa loob*
Daddy: a-ash? Gutom ka na ba? Kung gutom ka na, kakaluto ko lang ng adobong baboy.
Mikko: *ngisi*
Daddy: k-kamusta ang araw mo? M-masaya ka ba? A-alam mo kanina, pumu…
Mikko: ALAM MO KUNG HINDI LANG KITA TATAY… DAPAT DATI PA KITA INIWANG NAGIISA RITO EH. SIMULA NUNG NANGYARI ANG ARAW NA YON… SIMULA NG GINAWA MO YON! WALA NA KONG NATIRANG RESPETO SAYO. ALAM MO BA KUNG BAKIT!? NAPAKASAMA MONG TAO! HAY! KAKAUWI KO LANG, PINAPAINIT MO NA AGAD ANG ULO KO! *lalayas* *may narinig na nagtatakbuhan* *nakita niya yung isang babaeng nakasuot ng uniform nila puno ng dugo. Si charene yon*
---------------------------
Teacher Paolo: Denise, di ka pa ba uuwi? 6 pm na.
Thea: Ay sir, may tatapusin pa po ako.
P: O siya sige, punasan mo muna ang pawis mo.*abot ng panyo. Panyo ni teacher yuko yon* *tinago niya agad* n-nagkamali ako ng bigay. Sige Denise. Mauna na ‘ko. Ingat ka.
T: Lilith? *napaatras ng nakita yung hawak ni Lilith. Isang putol na kamay* *titingin si Lilith tas ngingiti* *may mga dugo sa pisngi at inaamoy ang kamay*
L: denise? Ikaw pala yan, Denise. Akala ko… isa ka sa mga kalaban.
T: Kalaban?
L: Oo, diba Griselda? *hinarap niya yung teddy bear niya* naaamoy ko na ang dugo. Malapit ko ng masaksihan ang lahat. Ano Griselda? Kaaway din siya? *tingin kay denise* oo nga noh.
T: *napatingin sa gilid. Nakita yung babaeng naka-uniform may hawak na kutsilyo* *tumakbo hinahabol yung babae tas biglang titigil yung babae* *tumakbo yung babae papalapit sakanya napapikit tas biglang may yumakap sakanya. Si ash*Ash? *duguan siya* Ash!
Mikko: Ang engot mo talaga Denise. Ayos ka lang ba?
T: mas engot ka. Bakit ako pa ang inalala mo? Sino bang nasaksak satin?
Mikko: mabuti nalang at nakita kita. *dial sa phone. Tinawagan si annie* kasama ko si denise. Nandito siya sa may kanto… sa may malaking tindahan. Oo, dun nga. Pumunta ka agad dito. *end call* tinawagan ko na si annie. Ilang minute na lang at darating na siya para ihatid kita sainyo.
---------------
CHAPTER 11 !!!!!!!!!!!
Zyrah: *paakyat na sana ng hagdan ng napansing may pinagkakaguluhan* *makikisiksik. Makikita yung taong putol ang kamay duguan. Puro sugat at halos makita na ang laman. *maririnig ang mga pulis na naguusap* *boses ni Chief Guevarra*
Chief Guevarra: may mga bakas ng paa akong nakita. Ngunit nakapagtataka kung bakit napakadami. Naisip ko rin na maaaring higit sa dalawa ang pumatay? O may mas nanunahang nakatuklas sa bangkay bago ito makita ng guard? Sa tingin ko ay hindi planado ang pagpatay sa biktima katulad ng nangyari noon.
Police 1: bakit hindi mo pa ba hinuhuli ang salarin sa unang krimen na naganap noong una tayong napunta dito?
Chief Guevarra: maghintay lang tayo. Hindi natin siya makukuha ng mabilisan at sa tingin ko hindi lang siya nag-iisa. Imposible na magawa ng iisang estudyante ang ganoong ka-brutal na pagpatay. May mga kasama siya at yon ang tutuklasin natin. Total, sa edad nilang yan hindi sila pwedeng makulong. Wala rin tayong makukuhang hustisya para sa mga bikitima.
Zyrah: *nagulat ng may humawak sa balikat niya*
Rizwan: relax. Ano bang nasa isip mo?
Zy: ah… wala.
Rizwan: nagbabasa ka ba ng dyaryo o kaya nanonood ng balita? *ngisi* alam mo ba sa panahon ngayon, isang katuwaan nalang para sa ibang tao ang pumatay. Isang libangan. Walang mabigat na dahilan para makapatay ka. Hindi naman tayo makukulong diba? Pinoprotektahan tayo ng batas. Kakampi natin ang batas. (
Zy: *tango tas irap* *naglakad tas nakita si mikko kausap yung nurse. Di alam ni zyrah kung seryoso o galit si mikko* *kuha ng cellphone tas may tatawagan*
------------------------------------------------------
Thea: *lakad papunta sa classroom. See niya si Lilith hawak yung teddy bear* *nagsilabasan lahat ng kaklase nila* anong meron?
Mikko: may nakalagay na note sa blackboard na pumunta daw tayo sa computer lab.
*pagdating sa com lab may magpla-play na video. Yung video na pinapatay si maeri*
Melanie: I-off niyo yan! Parang awa niyo na, i-off niyo yan! *biglang tatawa si Lilith*
Vince: P-patay na ba siya? Sabihin niyo sakin! Sinong may gawa neto!? *baton g upuan* magsalita kayo! *lalapit kay dj* gago ka talaga rain! Masyado kang sakim! Puro nalang sarili mo ang iniisip mo! Kayo ni Amanda! Kalian niyo ba titigilan si Maeri!? Mga peke kayo!
Dj: ano bang sabi ko sayo ha!? Diba sabi ko sayo wala kang pake! Bakit ka ba nangingialam ha!?
Thea: k-kayo ba talaga may gawa nun?
Dj: bakit!? Kapag sinabi ko bang wala akong kinalaman sa lintik na video na yan maniniwala ba kayo ha!? Hindi diba!? Gusto niyo inosente kayo kahit mas malala naman kayo samin ni Amanda!
Zyrah: *dadating* guys… may nangyaring kakaiba sa room.
*pagdating sa room* *puno ng dugo ang pader *nagkalat ang mga gamit sa sahig* *nakasabit lahat ng pictures ng klase na may mga dugong tumutulo*
Chief Guevarra: Kung maayos pa ang classroom kanina at biglaan lang ito maaaring nasa campus pa ang salarin. Hinahamon niya talaga tayo. Halughugin niyo ang buong campus!
----------------------------
CHAPTER 12!!!!!
Thea: *may magtetext sa lahat ng phone*
sender: unknown number
Message: natatakot na ba kayo? Higit pa dyan ang makukuha niyo kung hindi aamin ang may sala… maaaring matatakasan ang batas pero di kayo makakatakas sakin.
Chaniel: *sasampalin si Amanda*
Melanie: what the hell!?
Chaniel: wag ka ng magkaila pa amanda. Ikaw lang naman ang kayang gumawa nyan eh. Ikaw ang killer diba!?
Melanie: hindi mo kilala kung sinong binabangga mo!
Wilma: kilalang kilala ko na. unti unti ng lumalabas ang tunay mong kulay. Ambisyosa ka kasi! Attention seeker!
Melanie: wag na wag mo kong pagbibintangan! Kung tutuusin nga, mas malinis ako sayo!
Thea: kaklase natin ang mga killers. *nagsitayuan lahat tas lumapit sakanya* tatlo sila at sila ang pumatay kay Teacher Yuko. Ang mga nangyaring kakaiba at pagpatay…gawa nila yon. Kasama natin sila palagi at maaaring isa sa mga kaibigan natin.
Melanie: stop fooling us! Kasama ka sakanila diba?
Thea: hindi.
Melanie: hindi kami naniniwala sayo!
Wilma: kaya pala ikaw lang nakakaalam sa ibig sabihin ng sinabi ng killer. Kaya pala lagi kang hindi sumasama kapag nagkakayayaan. Kaya pala lagi nalang kakaiba ang ekspresyon sa mukha mo. Sa tingin mo maniniwala pa kami sayo?
Dj: *lalapit kay thea tas itutulak siya* sinasabi ko na nga ba! Hindi ka pwedeng pagkatiwalaan! Traydor!
-----------------------
CHAPTER 13!!!!!!!!!!!!
Amanda: Naaalala mo pa ba si Freya?
Rizwan: Mauna na ako Amanda. *umalis palayo*
FLASHBACK!!!
*sa tulay*
Chaniel: umalis ka tatalon ako!
R: kapag ginawa mo ba yan… maaayos na ang lahat?
Chaniel: naka-coma si summer. Ako ang tinuturo ng lahat… bat andito ka pa?
R: para sayo. Freya, makinig ka sakin. Abutin mo kamay ko.
C: kapag ba inabot ko kamay mo… mamahalin mo na ko? O diba? Hindi mo naman kaya… ano pa bang saysay ko? Wala na ako sa school, na-kickout na ko. Wala akong malalapitan na mga kaibigan. Naniniwala ka ba na hindi ako ang tumulak kay Summer? Tignan mo, pati ikaw nagdududa sa akin. Sino ba kakampi ko? Pano ako babangon muli kung wasak na wasak na ang imahe ko. *pinapaalis siya ni chaniel walang nagawa si rizwan umalis siya. Di na niya alam nangyari kay freya*
END OF FLASHBACK
Rizwan: *kukunin yung picture ni chaniel sa wallet nya* miss na kita freya. *iiyak* *ilulukot tas itatapon sa daan* *voice only* gusto kong makalimot. Ngunit kaya ko ba? *tayo tas lalakad*
---------------------------
Thea: *dadalhin ng mama niya sa hospital* *susuot ng earphones. Soundtrip* *nakayuko tas may makikitang feet sa harap niya. *tatanggalin niya earphones niya* *ngingiti yung babae, ngingiti din si Denise. *di pa ipapakita ditto yung mukha ni chaniel*
Chaniel: anong pangalan mo?
T: denise. Ikaw, anong pangalan mo? *biglang ipapakita sa video yung muka ni chaniel*
Chaniel: Freya. (
CHAPTER 14!!!!!!
Mama: Anak, may surprise ako sayo.
Neo: Teddy bear!
Mama: anong name na ibibigay mo sakanya?
N: hindi ko pa alam mama eh.
M: oh eto na (
N: Iloveyou Mama!
*gabi* *magigising si neo sa ingay sa baba. Hinahanap niya si mama nya sa tabi niya pero di niya masee.* *bumaba siya tas nas may nakita siyang lalaking nakaitim nakatayo sa harap ng mama at papa niya. May baril na hawak yung lalaki*
Killer: ASAN YUNG ANAK NYO!?
Mama: ilang beses ba naming sasabihin sayo na wala siya rito!
Neo: *tatakpan yung mouth para mapigilan ang pagcry*
Killer: kung hindi niyo ilalabas ang anak niyo, papatayin ko kayo isa isa!
Mama: wag please, wag!
Papa: hindi naming siya ibibigay sayo kahit patayin mo kami!
Killer: *iuuntog nung killer yung ulo ng papa ni neo sa pader. Basta mamamatay mama tas papa niya dito* *makikita nung killer si neo* tara, gusto mo laro tayo? Huwag kang matakot… ikaw si Lilith diba? Maglalaro lang tayo. *tatakbo si neo* Lilith asan ka na? maglalaro pa tayo…. *pipikit si neo* *may narinig siya uli na boses. Boses ng babae. Babaeng nagaapoy*
Babae: labas ka na… ipagtatanggol kita. *smiles*
*makikita niya yung bangkay ng lalaking nakaitim*
Neo: anong pangalan mo?
Babae: Griselda.
*sa scene na to hindi totoo tong babaeng nagaapoy. Medyo baliw na si Lilith ditto. Siya talaga pumatay sa lalaking naka-itim ( *
---------------------------
*may tatawag kay rizwan*
Chaniel: JP!
Rizwan: Thania!?
---------------------------------
Lahat: Goodmorning Denise!
Melanie: Oh bakit? Di ka papasok? *nagtataray*
Zyrah: denise!
Melanie: bakit nhicole? May problema ka?
Melanie: papasok ka ba denise o kakaladkarin kita? *hihilain nila papasok si anthea*
Thea:*puro chalk damit niya nung tumayo siya* *tatayo na sana siya ng pinagbabato siya ng eraser ng mga kaklase niyang lalaki*
Melanie: oh my god! Sorry denise ha? Kala naming trash can eh!
Wilma: alam mo denise, di ka naman bagay dito eh. Walang lugar ang mga criminal ditto.
Dj: kawawa naman ang Little Miss Trash natin. Gaano ka ba kagaling Denise Villaverde? Kaya mob a kaming patayin lahat? Sige ngaaa.
*dadating si mikko*
Mikko: Denise! *tutulak sila Amanda tas dj* ano ba talagang nangyayari!? *magwawala* sa tingin niyo ba ayos tong ginagawa niyo? Kung ano man ang rason niyo wala kayong karapatan para parusahan siya ng ganto. Kayong lahat! Hindi ba kayo nagsasawa sa pagiging ganto!? *bato ng upuan* ano!!? Sumagot kayo!!! *lapit kay denise* tara na. *susugudin siya ni dj*
Dj: siraulo ka pala e! anong tingin mo sa sarili mo bayani!? Pare pareho lang naman tayong gago! Wag kang magmalinis!
Mikko: Tss. Rain wala ka talagang pinagbago kahit kelan… inutil ka parin.
MGA BOSEEES:
Tao 1: buhay ba talaga si freya?
T2: sa pagkakaaalam ko, patay na siya.
T1: imposible… nakita ko siya sa hospital. Hindi ako pwedeng magkamali.
T2: baka yung isa ang nakita mo.
T1: sino?
*lumapit pa si chief guevarra sa pinto para pakinggan yung paguusap ng biglang may nagtakip sa bibig niya ng panyo at nagdilim ang paligid*
-------------------
Rain: *umiinom*
Kainuman: hoy rain bat di ka tumatagay diyan? Ilang bwan lang tayong di nagkita, naging mahina ka na agad.
Rain: sinong sinasabi niyong mahina? Mga inutil. *drinks*
Kainuman: buti pa ko pinandigan ang bata. Eh ikaw?
R: wag na wag mo kong susumbatan! Babasagin ko yang bungo mo!
K: pasalamat ka anak ka ng isang sikat na abogado. Ilan na ba nabugbog mo ha? Ilan na ba muntik ng mamatay dahil sayo? Puro pera ka lang naman eh. Ah.. kaya naman pala. Nagmana ka sa tatay mo.
------------
*pauwi* *makakasalubong sila vince*
R: siraulo ka pala eh! Harang harang ka sa daan.
Vince: pare ikaw pala. *lalabas mga kasama niya. May maskarang puti at parehong naka-hood*
R: sino mga kasama mo?
V: sila? Mga bago kong kaibigan. Sa tingin mo… papalampasin ko lang ang mga ginawa niyo kay maeri?
R: *magmamakaawa. Adlib na kayo*
V: huli na rain. It’s payback time. *papatayin niya*
------------------------------------------
Chaniel: JP?
R: freya?
C: hindi ako si freya. Hindi mo ba ako naaalala?
R: thania? Ikaw si thania? *oo nga pala may kambal si freya* voice only*
C: patay na si freya. Ako na ang bagong freya.
------------------------------------------
Alyana: pano mo nakuha ang video na yon?
Tao: gusto mo ba talagang sagutin ko ang tanong mo?
FLASHBACK
Charene: sorry na alyana. Sorry na.
Febie: bakit mo yon nagawa angie?
Cha: natakot ako. Natakot ako sa sasabihin ng iba patungkol sa relasyon natin. Natatakot ako sa mga mata nila kapah nalaman nila na ang karelasyon ko babae.
Febie: kaya niyo ginawa yon ni kevin? Naghanap ka ng iba? Sumagot ka!
Cha: hindi ko alam alyana.. patawarin mo ako.
Febie: sana sinabi mo nalang sakin. Dapat pinaalam mo sakin yang nararamdaman mo. Kung kinakahiya mo ko, sige ayos lang.
END OF FLASHBAAACK!
Tao: sino ba ang gusto mong patayin sakanila?
F: ano?
Tao: si angie o si kevin?
F: silang dalawa.
Tao: tutulungan kita. Akin na ang cellphone mo. Pumunta ka muna sa room 101-A. hintayin mo ako doon, may nakalimutan lang akong dalhin. Hawakan mo to. *bibigay yung baseball bat*
F: aanhin ko to?
T: magkakaroon ka ng palabas. Ang kamatayan ni Angie.
Cha: alyana? Nandito na ko.
T: ipukpok mo sakanya. *pabulong kay febie*
F: *ipupukpok kay alyana* *puro dugo ang uniform niya. Pumunta siyang cr para hugasan* *biglang tatawa* Si kevin nalang ang kulang.
CHAPTER 16!!!!!!!!!
Mikko: denise, wag ka ng malungkot. Andito naman ako eh. Alam mo… handa akong maging bestfriend mo.
Thea: *laughs* yan na ata ang pinakamagandang advice na nakuha ko*
Mikko: *smiles* kaya mo pa ba denise?
T: ha?
M: mga pinaggagagawa nila sayo… kaya mo pa ba?
T: hindi ko alam. Siguro ngayon kaya ko pa.
M: pano kung wala ako sa tabi mo? Baka kung ano ang gawin nila sayo, sinong magtatanggol sayo? Denise tuwing wala ka sa paningin ko… hindi mo lang alam kung gano ako nagaaalala. Hindi ako mapakali hangga’t hindi ako nakasigurado na ligtas ka. Ipagtatanggol kita…. Sa mga kaklase natin.
T: ash… hangga’t maari ayokong merong masali sa gulong pinasok ko. *tingin deretso kay mikko*
M: dati pa ko nanghihimasok denise. Ayokong sinasaktan ka nila… ayokong nagtitiis ka. Denise handa akong protektahan ka.
Thea: *di iimik*
Mikko: *voice only habang nakatingin kay denise* kahit anong mangyari, ako ang magiging karamay mo denise. Ako ang makakapitan mo. Umalis man silang lahat sa tabi… tandaan mo, hinding hindi kita iiwan.
-----------------------------------
R: Pano namatay si Freya? *may hawak na dalawang bote ng drinks*
Chaniel: nakalimutan mo na ba? Pinatay ko siya. *mabibitawan ni rizwan yung baso mababasag yon hahahha* Totoo lahat ng iyan. Diba, gusto mo rin siyang mamatay? *smiles*
Rizwan: Hindi…
Chaniel: ayoko sakanya. Lahat nakuha niya. Para lang akong aso, lagging napupunta sakin mga tira-tira. Sobrang inggit ako sakanya nun. Pero noong bumaliktad ang lahat. *laughs* hindi mo lang alam kung gano ako natuwa sa pagiwan mo sakanya sa tulay, sa hindi mo pagtanggap sa pagibig niya at lalong lalo sa pagtalikod sakanya sa lahat ng taong pinagkakatiwalaan niya. Sa lahat ng tao… siya ang unang gusto kong patayin. Ang sarap niyang talian sa leeg at isabit sa dingding.
Ikaw JP… anong gusto mong maging kamatayan mo? *unti unting tatayo tas lalapit kay rizwan* gusto mo bang barilin ka? Saksakin? Buhusan ng asido? Lunurin ka? O sunugin ka ng buhay?
Rizwan: thania..
Chaniel: *hawak yung tinidor iaaano sa mukha ni rizwan papunta malapit sa mata.* o dukutin ang mata mo? Lahat ng iyon possible. Sabihin mo lang sakin.
Cha: binibiro lang kita. Hindi ka parin nagbabago. Hanggang ngayon… duwag ka parin. Minahal mo rin naman si Freya diba? Pero takot ka. Wala kang kwenta.
CHAPTER 17!!!!!!!!!
Chief Guevarra: *maririnig yung mga sigaw ni dj sa kabilang kwarto* *hinahanap niya ang cellphone at baril niya pero wala* *bubukas yung pinto may papasok may dalang martilyo na puno ng dugo*
Mikko: masyado kang mausisa. Gusto lang kitang batiin Chief. Sa wakas nakaabot ka sa puntong ito. Hindi ka ba natutuwa chief? Kailangan mo ng magpahinga tanda.
------------------------
*may hihintong sasakyan sa harap ni vince* *harap ng bar*
Mikko: pare, anong ginagawa mo rito? *kita siya si mikko tas thea*
Vince: naglilibang lang.
Mikko: ah sige mauna na kami. Ihahatid ko pa si denise sa bahay nila eh. Dyan lang malapit sa subdivision.
Vince: sige pare, ingat kayo. *ngiti kay denise* *binitawan ang sigarilyo. Naglakad papasok sa abandonadong gusali kinuha ang martilyo sa lapag at pumasok*
----------------------------
*mamamatay si dj dito papatayin siya ni vince. Adlib na*
---------------------------------
*sa labas ng bahay nila denise*
Mikko: bye. Goodnight denise. (
---------------------
CHAPTER 18!!!!!!!
*tawag sa phone*
Mikko: denise?
T: bakit ka napatawag ash? Nasan ka ngayon?
M: pwede ba tayong magkita ngayon?
T: bakit?
M: kailangan kita ngayon… kailangan ko ng kaibigan. Denise, please.
T: sorry ash. Pero hindi ako papayagang umalis ni mama at papa ngayon e. sorry talaga.
M: *buntong hininga* sige denise. Naiintindihan ko. *naiiyak*
T: Ash. *end call*
-------------------------
SCHOOOL!
*dadating si vince. Babatiin siya ng mga kaklase niya pero diretso lang sya sa upuan at nakatulala*
Thea: *mapapatingin kay mikko na papasok. *may mga pasa sa mukha*
Melanie: gosh, anong nangyari sa mukha mo ash?
Mikko. Wala lang to. Sa*tatabi kay thea* sama ka ba sa fieldtrip Denise?
Thea: oo. Nagbayad ako.
Melanie: ash, pinapatawag ka ni sir buendia.
Mikko: tara na denise. *hahawakan kamay ni thea pero bibitaw siya?
Thea: dito nalang ako.
*lalapit si Amanda kay denise* *magtatawanan.*
Amanda: ohmy. Wala ka ng kakampi ngayon Denise.
Wilma: umamin ka na kasi. Hindi ka naman naming isusumbong eh.
Melanie: hindi ka ba talaga aamin?
Thea: *pasigaw* ilang beses ko bang sasabihin na wala akong kinalaman!?
Melanie: lumalaban ka na ngayon ha!? *sabunot*
*dadalhin si denise sa isang lumang room*
Thea: Amanda please… *kinakaladkad ni marinelle*
Vince: too late. *tutulak si thea papasok don. Ilo-lock yung door*
Thea: pakawalan niyo ko please! *pumunta sa isang sulok* panaginip lang to denis. Ilusyon lang lahat to.
-----------------------
Marinelle: sigurado akong nanginginig na sa takot yung denise na yan. *tawanan* *akbay kay vince* I’m so glad na kakampi kita.
Zyrah: guys, hindi ba siya nahihirapang huminga sa loob? Baka… mamatay rin siya tulad ng iba. H-hindi ba magiging mamamatay tao na rin tayo kapag nangyari yun? Pakawalan na natin siya Amanda.
Marinelle: shut up nhicole. Bakit ka ba sumama pa dito? Masyado kang mahina. Hindi ka bagay na kasama naming. Kung ikulong din kaya kita?
Mikko: nasan si denise?
*itutulak ni mikko si Melanie*
Melanie: ano sa tingin mong ginagawa mo ha!?
Mikko: ikaw, ano sa tingin mo ang ginagawa mo ha? Ano bang ginawa sayo ni denise para gawin mo to sakanya!? Bakit ka ba ganyan Amanda? Masyado ka ng malala!
Melanie: wala kang pake ash at bakit ba lagi mong pinagtatanggol si denise ha? Ano ba siya sayo? Nga pala… nasa loob si denise. Sinog gusting magbukas? *kinuha ni ash ang susi nagmamadali siyang buksan*
Mikko: *pagbukas ng pinto napatakip dahil sa amoy* *walang malay si denise* *tinakbo niya sa clinic*
Nurse: kelangan lang niya ng pahinga.
Mikko: *titingin kay Denise at bubuntong hininga.*
-----------
Neo: *mag duduyan tas lalagay niya teddy bear niya sa tabi niya* Ang saya saya diba Griselda? Matagal na rin tayong hindi nakakapaglaro. *tatawa tas may makikitang dalawang paa sa damuhan tas titignan kung sino yun*
Teacher Paolo: Ako nga pala si Teacher Paolo mo Lilith.
Neo: *kukunin si Griselda tas yayakapin* Isang kaaway… magingat. *kunwaring may ibubulong yung teddy bear tas tatawa* teacher paolo, nakapatay ka na diba?
-------------------------------
CHAPTER 20!!!!!!!!!!
Teacher Paolo: *mapapaatras* ano ba yang sinasabi mo Lilith?
Neo: *ilalapag yung bear tas lalapit sakanya. Hahawakan yung kamay ni paolo tas aamuyin. Titingala kay paolo tas ilalapit yung mukha*
TP: A-ano bang problema mo!?
N: totoo diba? Punong puno ng poo tang puso mo.
Tp: *itutulak si neo palayo*
*may dadating na babae nakasalamin at lalapit kay Lilith*
Girl: ikaw talagang bata ka. Kanina ka pa naming hinahanap. Bat hindi ka pa umuuwi?
N: gusto kong maglaro dito kasama si Griselda?
G: ikaw talagang bata ka. Sorry po mister. May mali talaga sa paguutak itong alaga ko. *walks awaaaaaay* N: Ate Melissa.
G: Elissa ang pangalan ko Lilith.
N: Ate Melissa. Wala ka bang naaamoy na masama dun sa teacher na yon? Sabi ni Griselda kaaway siya. Dugo. Hindi mo ba naaamoy ang dugo sakanya Ate Melissa?
G: Lilith! Tinatakot mo naman ako eh. Uwi na nga tayo.
TP: *mapapatakip sa bibig * *voice only* Ibig sabihin… baliw nga siya? Ngunit papano… paano niya nalaman? *kukunin yung panyo sa bulsa na may 3 black butterflies tas ididikit sa pisngi.* wala na akong ibang ginawa kundi makamit ang hustisya na ilang bwan ko ng hinahanap-hanap. Pero kung magpapatuloy ito… maaaring may makaalam na iba. Ayokong makulong. *sasakay sa kotse* dapat nasa tabi ko siya ngayon. Dahil sa kanila… nawala ang pinakamamahal ko. Suicide!? Hindi kayang gawin ni Yuko yun! *mapapahampas sa manibela tas iiyak* *bubuksan yung pinto at didiretso sa kwarto kung saan natutulog si maeri na natutulog. Hahatakin niya yung buhok neto* Umamin ka na! ikaw ang pumatay kay yuko diba!?
Melanie: please… wala akong kinalaman sa pagkapatay ni teacher yuko.
Tp: *may kukunin sa drawer na phone tas ipapakita kay maeri* eh ano yan!? Wala kang kinalaman ha!!? Eh ano tong message na to ha!?
Sender: Maeri_ Class 3-C
Message: hey! Sino ka ba sa inaakala mo ha!? Kapag sinabi mo iyon sa parents ko… papatayin kita. Wag na wag mo kong susubukan, teacher ka lang! Don’t ever dare to threaten me kasi hindi mo ko kaya!
M: pinoprotektahan ko lang ang sarili ko! Pero hindi ko siya pinatay. Binabalaan ko lang siya.
TP: hindi ako naniniwala sayo! *babato yung phone sa muka ni mel*
M: please parang awa niyo na. w-wala akong alam. Pakawalan mo ako please!
TP: *sasaksakin siya* paalam maeri. *pupunta sa sala* *makikita si yuko* yuko… miss na miss na kita. Dito ka na lang. wag mo na kong iwan.
Yuko: *smiles*
Tp: *pipikit tas biglang makikita yung walang malay na yuko. Yung nasa bathtub siya* *magwawala* *kukunin ang itim na mascara sa cabinet* mararamdaman nila ang galit ko. Matitikman nila ang paghihiganti ko. Magkikita-kita nalang kami sa impyerno.
NOOOOOTE: katulad niya si lillith. Yung nakita siya si yuko.. guni guni niya lang.
CHAPTER 22!!!!!!!
Marinelle: you’re so funny annie! Talagang ginawa dati ni denise yon? Eww!
Thea: *titingin lang sakanila. Buntong hininga tas kukunin ang notebook sa bag*
Zyrah: anong nangyari denise? *titingin si denise sakanya* kung kailangan mo ng kaibigan… andito pa naman ako. Kung gusto mong magkwento, makikinig ako pero kung hindi mo kaya… naiintindihan ko.
Wilma: mygosh nhicole! Anong ginagawa mo kasama ang loser na yan?
Zyrah: *titingin kay andy* *tatakbo papunta kila Amanda*
Marinelle: ano bang sabi ko sayo ha?! Dito ka sa grupo namin. President ka pa naman, ganyan ka ka-shunga.
Zy: Sorry Amanda. Pero friend ko rin naman si denise e.
Ma: shut up! Kung hate naming siya dapat hate mo rin siya, boba! Pasalamat ka nga kasama ka naming!
*dadating si Teacher Paolo*
Pao: okay, goodmorning class. ( sinong absent?
Zy: si ash po, wala pa.
*magkaklase pero walang nakikinig. Nagbabatuhan ng gamit at nagsisigawan mga estudyante* pao: Tahimik! Ang iingay niyo! Para kayong nasa palengke! Kung gusto niyong magingay lang, lumabas kayo! Huwag kaying magsabog ng kabastusan sa klase ko!
*lahat ay natigilan at tumahimik* *pagkatapos magsermon kukuha ng tubig sa bag at kukuha ng gamot tas iinom niya sa harap nila tas maglalabas ng panyo na may tatlong itim na paru-paro.*
*biglang dadating si ash*
Pao: You’re late Mr. Flores.
Mikko: *titingin sa buong room na parang may hinahanap tas titingin kay denise* sorry sir. *uupo sa tabi ni denise* paupo muna. Morning denise. (
Thea: *smiles*
Mikko: bakit namumugto yang mga mata mo? Okay ka lang ba?
Thea: wala lang to.
M: di ako naniniwala. Anong ginawa nila sayo ha? Sinaktan ka na naman ba nila?
T: hindi. Walang lang talaga to.
M: *hahawakan niya yung kamay ni denise. Titingin si denise sa kanya pero nakatingin siya sa board*
*may maririnig silang sigaw sa labas ng room* *magsisitayuan sila*
Zy: nasa kabilang room! Cr ng girls nagmumula yung sigaw!
Wilma: *kay denise* Ikaw! Ano na naman ang ginawa mo!?
Mikko: *ilalayo si denise* siya na naman? Palagi nalang si denise!?
Wilma: mamamatay tao yan e.
*lalabas sila lahat. Papasok si denise sa loob ng cr. Sa last cubicle makikita si rain patay na duguan. Mabibigla. Puno ng dugo yung cubicle. Puro pako ang katawan niya*
Ash: *malungkot* kahit na puro kalokohan ang ginawa ni rain, mabuting tao parin siya. Di dapat nangyari sakanya to.
Thea: *hahawakan yung kamay ni mikko.* tara na. *titingin kay Amanda na nakatingin lang sa cubicle. Mapapatingin din sakanya ng masama tas papasok sa classroom* *pagdating sa classroom maririnig ang mga bulungan tungkol sakanya*
“ang galing umarte. Grabe pang best actress na siya ah? “ang kapal talaga ng mukha ng denise na yan” “dapat siya yung namatay”
Mikko: wag mo nalang silang pansinin.
Principal: sabihin niyo nga sakin! Anong kinalaman ng klase niyo sa mga nangyayari dito?! Ang daming patayan na naganap at palaging sabit ang klase niyo sa mga yon! Umamin kayo! Nababaliw na ako! Magsalita kayo!
*tatayo si vince* *titingin kay denise*
Mark Manny (Vince): si denise po ang gumagawa ng mga yan! Siya lang po ang gagawa niyan! Mamamatay tao siya!
*titingin si principal kay denise tas iiling si denise* *sisigaw ang buong klase ng kick out* *tatayo si ash*
thea: wag.. please wag mong gawin yan.
Mikko: ano ba denise!? Ipagtanggol mo naman yang sarili mo!
Thea: *titingin sa buong klase* *yuyuko* pabayaan mo nalang sila.
Principla: Ms. Villaverde sumunod ka sakin sa office.
Thea: *bibitaw sa hawak ni mikko*
Mikko: *hahawak ulit kamay niya* hindi denise. Sasaman kita.
*bago umalis si thea babatuhin siya ng papel* thea: *voice only* kaya ko to. Kahit anong mangyari, dapat kong kayanin to.
CHAPTER 23!!!!!!!!!!!
Principal: umupo ka muna denise.
Thea: sir, hindi naman po talaga ako ang gumawa ng mga yun eh. Nagsasabi po ako ng katotohanan. Wala po akong ginagawang masama.
P: sa pagkakakila ko sayo denise at sa parents mo… hindi mo talaga magagawa ang mga bagay na binibintang sayo. Hindi kita pinapunta rito dahil sa sunod sunod na ang pagpatay sa mga kaklase mo. Pinapunta kita rito dahil sa mga natatanggap mong pangbu-bully sa mga kaklase mo. Kaya… pinatawag ko ang mama mo.
Thea: pero sir.
P: kelangan niyang malaman ang mga nangyayari sayo.
*bubukas yung door tas papasok mama ni denise* *yayakapin ni denise mama niya*
Mama: anong nangyari anak?
P: Mrs. Villaverde, alam niyong labag sa kalooban ko para sabihin to pero kelangan ng lumipat ni denise ng ibang school.
Mama: may nagawa ba siyang masama sir? Hindi naman po masamang bata si denise. Ano po bang nangyari?
P: mukhang hindi po kayang sabihin sainyo ni denise na araw araw siyang nabu-bully sa klase nila. I’m sorry Mrs. Villaverde kung wala akong nagawa para sakanya.
Mama: *magagalit ihahampas yung kamay sa mesa*alam niyo ba ang sinasabi niyo!? Akala ko… akala ko maaayos pa siya rito. Bakit wala kayong nagawa ha!? Anong klaseng principal ka!?
P: kaya po ako humihingi ng tawad.
Mama: mauna na kami sir. Iaalis ko na siya sa school na to. *hahawakan kamay ni denise*
T: mama… *sabay labas nila*
-------------------
*sa bahay nila denise* *pagpasok sa bahay ay bubungad ang papa ni denise na galit na galit*
Thea: sorry pa...
Papa: *hahatakin si denise sa braso papuntang sala* *galit nag alit* bakit ka pinapa-transfer sa school mo!?
Thea: papa… tama na po. *itutulak siya ni papa niya sa sofa*
Papa: bakit ka naglihim samin!? Mga magulang mo kami Denise!
Mama: tama na. *awat kay papa*
Papa: wag kang nangingialam dito! *iiyak si denise* bakit hindi mo samin sinabi na binubully ka na pala don!? Sana napagtanggol ka namin! Anak… kakampi mo kami. Kahit anong mangyari, sayo kami maniniwala. Anak, mahal na mahal ka namin. *yayakapin ni denise papa niya*
*kwartoooooo*
Thea: *tingin sa mirror* denise, ayos ka parin ba? Kaya ko to. Kayang kaya ko to. *smiles* *tingin sa phone*
Sender: unknown
Message: pumunta ka sa park. May sasabihin akong importante. Mabilis lang to.
*lalabas si denise*
------------
Mikko: *tatawag si denise* *magdadabog kasi hindi sinasagot ni denise* *dadating sa bahay* makikita tatay niya*
FLASHBAAACK!
Doctor: ikaw ba ang anak ng pasyente?
Mikko: opo.
D: kinalulungkot ko pero may Asperger ang iyong ama.
END OF FLASHBAAAACK!
Mikko: dun ko lang napansin ang mga kakaiba niyang kilos. Ang mga paulit ulit niyang Gawain. Halos mabaliw na ko dahil sa araw araw na ginawa ng diyos ay paulit ulit ang mga pinagsasabi niya. Ayoko na. sawa na ako. Dahil sa sakit niyang iyan… nawala ng tuluyan sa tabi ko ang nagiisang nakakapitan ko ng mga panahong iyon.
FLASHBAAAAAAACK!
Mama: hindi ko na kaya! Ayaw ko na nga asawang may sakit sa utak! Aalis na ako! Bahala na kayo sa buhay niyo! *kukunin yung maleta*
Mikko: *papasok sa kwarto* *may maririnig na sigaw sa baba* *makikita niya yung nakahandusay na bangkay ng mama niya. Nasa tabi neto yung tali at kutsilyo na ginamit para gilitan sa leeg* *iyak ng iyak habang hawak yung katawan ng mama niya*
Papa: *lalabas sa cr na puro dugo ang damit* patay na ang mama mo. *may dalang kutsilyo*
Mikko: papa… anong gagawin mo?
Papa: *tatagain yung buong katawan ni mama*
Mikko: *tatakbo sa gilid. Iiyak. Ititignan yung papa niya na ilagay sa sako yung mama niya*
Papa: *punta palapit kay mikko hawak yung sako* anak… wag mo rin ako subukang iwanan ha?
---------
FLASHBACK ULIT!!!
Tito: ash… kelangan mong tumira kasama ng papa mo. May sakit ang papa mo, kelangan niya ng tulong mo. *iiyak si mikko dito magmamakaawa sa tito niya*
END OF FLASHBACK!
*may kakatok sa kwarto*
Papa: a-ash? G-gutom ka na ba? Kakaluto ko lang ng adobong baboy. K-kamusta ang araw mo?
Mikko: *pipikita tas sasaksak earphones sa tenga* after ilang seconds. *didilat tas bubksan pinto bubungad tatay niya. Pupuntahan si denise*
CHAPTER 24!!!!
*sa park*
Thea: *di pa masyadong madilim* *dala phone niya* *may makikitang lalaking naka-sumbrero.* JP?
Rizwan: *may iaabot na papel* password.
Thea: password? Para saan?
JP: Sa cellphone ng mga killers. Pagkabukas mo ng cellphone pumunta ka agad sa nagiisang folder sa file manager. *magtataka si thea* bakit ko nalaman ang password? Bat ko alam ang tungkol sa cellphone?
Thea: pano mo nalaman ang password?
Rizwan: bakit nga ba? Sabihin lang natin na… *makikita ni thea si mikko na naglalakad*
Mikko: *hahatakin palayo si thea kay rizwan* kanina pa kita hinahanap. Andito ka lang pala.
JP: Nauulit ang lahat! Diba Ash? Si Freya… pinagbintangan din siya dati. Ang mga nangyayari ngayon, bat parang nauulit? Papaya ka bang maranasan ni Denise lahat ng yon? *tatawa* wala ka bang gagawin? Kapag si Denise na talaga ang naging target nila… may mangyayaring masama.
Mikko: Masyado ka atang nanonood ng movies JP. Hindi totoo ang mga yan. Walang mangyayaring masama. Ang nakaraan ay dapat ng ibaon sa nakaraan. Hindi magkatulad si Freya at Denise. Iba ang sitwasyon ngayon at andito lang ako sa tabi ni Denise para iwasang maging malala ang lahat.
Riz: nasa tabi ka nga ba talaga ni denise?
Mikko: anong ibig mong sabihin? *nakakuyom ang kamao* denise, mauna ka na.
Thea: ash… *maglalakad pauwi. Wawa naman*
BAHAAAAY!
Thea: *bubuksan yung papel* *mapapakunot yung noo. White Roses. *bubuksan yung password tas susundin yung sinabi ni jp.* *isang mp3 file at boses ni maeri yun*
Maeri: *voice only* Alam kong mapapakinggan mo to. Simula noong isang buwan hindi ko na amsikmura ang mga pinanggagawa ko. Wala akong gusto sa mga nasabi ko at lalong lalo na di ko gusto sayo ibigay ang white rose.. gusto ko sanang humingi ng tawad. Inilagay niya sa teacher’s table ang mga white roses. Nung una wala akong alam kung para san yon. Nang bigla niyang sabihin na kumuha kami ng isang rosas bawat isa at ibigay sa kaklase natin… na gusto naming mamatay. Tinignan kita habang nakayuko ka at halos lahat ng white roses nasa desk mo. Tama.. sayo binigay lahat ng rosas. Nagsisisi ako. Patawarin mo ako. Nakita kitang umiiyak sa cr. Gusto kitang damayan ngunit hindi maaari… kaaway ng isa, kaaway ng lahat. Alam mo naman yun diba? Sana mapatawad mo kami. Sana mapatawad mo ako. *magflaflashback kay denise yung usapan ni jp tas ash sa park yung nauuulit ang lahat diba ash ganern* *biglang bababa at kakausapin si mama at papa niya* Mama. Papa. Hindi na po ako magtatransfer.
----------
Mikko: kung ano man ang plano mo, hindi ko hahayaang magtagumpay ka. Huwag na huwag kang gagawa ng masama laban kay denise, kundi ako makakaharap mo.
Rizwan: sa tingin ko, hindi dapat ako ang pinagbabalaan mo ash. Ako ba talaga ang kaaway?
Mikko: hindi ko alam. Hindi ko na kilala kung sino ba ang dapat pagkatiwalaan. *kwekwelyuhan si jp* kapag may nangyaring masama kay denise, humanda ka sakin.
Jp: pwes maghahanda na pala ko ngayon palang.
CHAPTER 25!!!!!!8
Paolo: *titignan si Lilith* *nilibot ng tingin ang buong paligid* *lilingon sa kinatatayuan ni Lilith pero wala na siya don. Makikita niya na nasa kaliwan siya* *lalapit kay Lilith na nakaupo tas hahatakin yung kamay* tututukan ng knife pero di sisigaw si Lilith*
Neo: papatayin mo rin ba ako? Gigilitan mo ba ang leeg ko? *biglang may paparating* *madadaplisan balikat ni neo* *may tumulong dugo*
Paolo: *sinisilip si denise na papasok ng room tas mapapansin denise yung blood*
Neo: Shh… wag kang maingay Griselda. Naglalaro tayo ngayon. Alam kong delikado pero… *lingon kay paolo tas ngiti* nagsisimula na Griselda. Malalaman na kung sino ang totoong may sala. Masaya. Ito na ang hinihintay ko.
Paolo: *nakahinga ng maluwag nung nakalabas na si denise. Biglang tatakbo paalis si neo.* *voice only* uubusin ko silang lahat… ang buong class 3-C. diba… yuko?
x

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PART I: Creative Writing: An Intellectual and Aesthetic Expression